Monday, July 24, 2017

[Panoorin]: Duterte humarap sa mga rallyista matapos ang SONA

Photo credit to owner
Matapos ang kanyang talumpati, hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga militanteng grupo na nagtipon sa labas ng Batasang Pambansa para sa tinawag nilang 'People's SONA' o totoong SONA.

"Bigyan niyo ako ng panahon. Five years lang naman ang iwan ko. Sasabihin ko sa 'yo, I will deliver. Naintindihan ninyo? I will deliver. Ngayon, kung apurahin ninyo ako bukas, wala tayong magawa. Kung daanin niyo sa init ng ulo pati supladuhan, e di number one. Puwede ako niyo sigawan dito, babuyin ninyo ako dito, that's the last time I will talk to you. Kung ano mangyari sa Pilipinas, 'wag kayo pumunta sa akin. Ganoon lang tayo, magrespetuhan lang tayo. Mag-demonstrate lang kayo. 'Wag namang binastos. I am no different from you. Pareho lang tayo," ayon kay Duterte.

Pagkatapos ibigay ang kanyang ikalawang State of the Nation Address, kinausap ni Pangulong Duterte ang mga raliyista sa kalsada na nagsasabing may mga pagkukulang siya.
Mainit ang naging pagharap ng pangulo sa mga militante. Paulit-ulit niyang sinabing handa siyang makipag-usap sa kanila at makinig sa kanilang mga hinaing, ngunit maingay ang mga ito at patuloy na isinisigaw ang kanilang mga chant, tulad ng paggigiit na magpatuloy ang peace talks.

Panoorin ang video ni Pangulo Duterte courtesy of ANC:









Source: ABSCBN

0 comments: