Isang OFW na patungong Middle East ang muntik nang maging "drug mule" ng isang sindikato ng droga sa Bulacan.
Sa ulat sa Saksi nitong Biyernes ng gabi, dalawang lalaking kontektado umano sa sindikato ng droga ang inaresto ng mga pulis sa isang entrapment operation sa bayan ng Guiguinto.
Nakilala ang mga suspek na sina Alex Bamba at isang Patricio, kapwa residente ng Moncada, Tarlac.
Ayon kay Superintendent Heryl Bruno, hepe ng Malolos police na nagsagawa ng operasyon, ang dalawa ay miyembro ng malaking sindikato ng droga na nakabase sa Tarlac.
Isinagawa ang entrapment operation laban sa dalawa nang magsumbong ang isang OFW sa Malolos police kamakailan.
Ito ay matapos madiskubre ng OFW na ang ipinapadala pala na mga chichirya ng dalawang suspek sa kanya ay may laman na ilegal na droga.
Todo tanggi ang dalawa sa mga paratang sa kanila nang arestuhin ng mga pulis.
Iginiit ng mga suspek na hindi nila alam na may laman na shabu ang mga chichirya.
Watch this Video:
Source: GMA
0 comments: