Photo credits to owner |
Photo credits to owner |
Kung matatandaan nagbabala si Dept. of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Bureau of Immigration na bantayan si Ozamiz City Councilor Ricardo “Arthur” Parojinog dahil baka magtangkang siyang tumakas palabas ng bansa.
Nailabas ang lookout bulletin order noong August 4, 2017. Ngunit limang araw na matapos ang raid sa bahay ng pamilyang Parojinog. At ng pasukin ng mga otoridad ang bahay ni Ricardo Parojinog hindi nila inabutan ito.
Photo credits to owner |
Isa ang bahay ng Councilor Ricardo Parojinog sa hinainan ng search warrant kaugnay sa illegal possession of firearms and ammunition.
Sa paghahalughog ng otoridad sa kanyang bahay, nakakuha sila ng shabu at drug paraphernalia, tatlong rocket-propelled grenade launchers, dalawang hand grenades, M79 ammunition at isang shotgun.
At malaki ang possibilidad na sa loob ng 5 araw na yun, nakagawa na ng hakbang itong si Arthur Parojinog para makatas. Ang isang tao naman ay hindi magtatago kung walang itinatago.
Photo credits to owner |
Kasabay ng pagtaas ng pabuya sa makakahuli kay Ardot Parojinog, inilipat naman si Chief Inspector Jovie Espenido mula PNP Ozamiz patungong Iloilo.
Kinuwento din ni Pangulog Duterte na ikinainit din ng kanyang ulo ang pangangamba raw ng ilang opisyal sa PNP Ozamiz na baka raw balikan sila ni Parojinog.
“Anak ng jueteng ka. Anong klaseng pulis ito. Tarantado itong mga unggoy na ito. Nakakaasar. Maya-maya ilagay ko isang batalyon dyan sa Ozamiz,” sabi ni Duterte.
Photo credits to owner |
Hindi raw maintindihan ng pangulo kung bakit nagpapatinag ang mga pulis.
“Bakit tayo matakot sa mga inutil na ito? You know what’s their bargain pantakot sa atin? Na patayin nila tayo… Alam mo kayo, pati ako, nung pumasok ako pagka-mayor, pulitiko, at nagpresidente, alam ko papatayin talaga nila ako. And may I say to them, I welcome it,” dagdag pa ni Duterte.
Handa rin daw mamatay ang pangulo, kaya madalas din ito bumisita sa Marawi.
“Kaya pagpunta ko sa Marawi, ano sinasabi ko sainyo, I came here to die. Kaya pantakot nila na mamatay sila, o edi sabay tayong mamatay,” sabi ni Duterte.
Photo credits to owner |
August 28 ng inihayag ni pangulong Duterte ang reassignment ni Espinido sa Iloilo, at sa September 4, Monday, inaasahang dadalo si Espenido sa flag ceremony ng Iloilo LGU kasama si Mayor Jed Mabilog.
Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!
Source: News5
0 comments: