Photo credit to owner |
Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas pa ring kumain ng manok.
Ito’y kasunod ng lumabas sa isang pag-aaral noong nakaraang taon ng ang mga manok sa Metro Manila ay apektado ng bacteria na tinatawag na ‘campy-lobac-ter’
Batay sa pag-aaral na halos 80% sa mga sinuring manok ay nakitaan ng nasabing bacteria.
Ayon kay DOH Assistant Sec. Eric Tayag – mapupuksa naman ang campy-lobac-ter kapag niluto ng maigi ang manok. Dagdag pa ni Tayag – hindi rin mainam na ibalik pa sa freezer ang mga na-defrost na manok.
Pinapayuhan pa din ng Department of Health ang mga Pinoy na mahilig sa manok na magdoble-ingat sa paghahanda ng chicken-based na ulam.
Nilinaw naman ng DOH na walang malubhang epekto ang bacteria sa tao at hindi ito nakamamatay.Pero, maaari umano itong maging sanhi ng pananakit ng tiyan at diarrhea kapag nakapasok sa katawan ng tao.
Kinuwestyon naman National Meat Inspections Service (NMIS) Executive Director Ernesto Gonzales – na 200 manok lang naman ang kanilang sinuri.
Payo ng mga eksperto, linisin at lutuing mabuti ang mga karne ng manok upang mapuksa ang bacteria at ugaliing maghugas ng kamay.
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!
Source: RMN, GMA
0 comments: