Photo credit to owner |
Sumailalim na sa inquest sa Philippine National Police (PNP) custodial center kanina ang magkapatid na Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at Reynaldo Parojinog, Jr., dalawang araw matapos ang madugong raid sa Ozamiz noong Linggo, Hulyo 30.
Bago pa magsimula ang inquest, sinabi na ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng mga Parojinog, na igigiit niyang palayain na ang kanyang mga kliyente dahil higit 36 na oras na silang nakakulong pero wala pang naisasampang kaso ang PNP.
Nitong Martes, Agosto 1, dumating ang isang team ng Department of Justice (DOJ) prosecutors.
Dumating din ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) bitbit ang mga ebidensiya laban sa mga Parojinog.
Bigo si Topacio na kuwestiyunin ang pagkakaaresto ng kanyang mga kliyente, pero pinag-aaralan pa rin nilang sampahan ng kaso ang mga pulis na humuli at nagkulong sa magkapatid.
Dagdag pa ni Topacio, kanina lamang sila nabigyan ng kopya ng search warrant, imbentaryo ng mga ebidensiya, mga affidavit at iba pang mga dokumento. Base sa mug shots ng magkapatid, patong-patong na reklamo ng illegal possession of drugs at illegal possession of firearms and explosives ang isinampa ng PNP laban sa magkapatid.
Ayon kay Topacio, hihintayin na lamang nila ang resolusyon ng DOJ panel of prosecutors kung may probable cause ngang sampahan ng kaso sa korte ang mga Parojinog, saka sila magsasampa ng kaukulang apela.
Pag-aaralan pa rin nila kung paano makadadalo ang magkapatid sa libing ng kanilang ama, ina, at iba pang kaanak.
Bukod sa 15 napatay, sinabi din ni Topacio na namatay na rin ang isa pang sugatang kaanak at tauhan ni Vice Mayor na si Darell Parojinog.
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!
Source: Facebook
0 comments: