Wednesday, August 16, 2017

ALAMIN: Hindi isinapubliko ang dahilan ng pag-reject kay Taguiwalo bilang kalihim ng DSWD

Photo credits to owner

Napagdesisyunan na ng CA plenary ang pagrekomenda ng CA committee on labor and social welfare na i-reject ang appointment ni Judy Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ni CA panel chair, Davao Oriental 2nd District Representative Joel Almario na nagsagawa ang komite ng masusing pag-aaral para malaman kung ang isang appointee ay karapat-dapat sa nasabing posisyon.

“Looked into all angles of her background and character to ensure that it based its recommendation on real truth and solid fact… taking into consideration the best interest of the people,” sabi ni Almario

Sinabi rin niya na sa mga nakaraang confirmation hearings, marami ng tanong ang ibinato ukol sa pagkontra sa appointment ni Taguiwalo.

Sa kanyang talumpati, nauna na ring sinabi ni Almario ang tungkol sa partisipasyon ni Taguiwalo sa isang “underground movement” noong kabataan pa niya.

Sa confirmation hearing kahapon, ginisa si Taguiwalo kaugnay sa Conditional Cash Transfer Program, ang kanyang tingin sa panukalang national identification system at tax reform program, pati na rin ang pagkakaugnay niya sa National Democratic Front (NDF) na isa sa nagnomina sa kanya sa posisyon.

Hindi isinapubliko ang dahilan ng pag-reject kay Taguiwalo pero ayon sa committee chairman, nakuha nila ang kinakailangang boto na majority o katumbas ng 13 na boto.

Pagkatapos aprubahan ng komisyon ang mosyon para ibasura ang appointment ni Taguiwalo, isa-isang nagsalita ang mga senador na bumoto pabor sa kanya. Sila ay sina Senators Ralph Recto, Loren Legarda, Miguel Zubiri, Kiko Pangilinan at Sonny Angara. Hindi man nagpahayag ng suporta, kasama rin daw sa mga bumoto pabor kay Taguiwalo sina Senators Frank Drilon at Bam Aquino ayon kay Pangilinan

Si Taguiwalo ang ikatlo sa gabinete ni Pangulong Duterte na na-reject ng CA pagkatapos ni Perfecto Yasay JR. at Gina Lopez.

Kahit pa man ganun ang nangyari, taos-puso paring nagpasalamat si Taguiwalo sa lahat ng sumuporta sa kanya at sa mga naniniwala sa kanyang kakayahan. Sinabi niyang hindi dito nahinhinto ang kanyang pagsisilbi sa bayan


Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!


Credits to: News5

Related Posts:

0 comments: